Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nagpadala ng $ 100,000 sa mga nasalanta ni "Yolanda"

(GMT+08:00) 2013-11-11 18:59:11       CRI

IPINARATING ng Tsina ang kanilang pakikiramay sa mga nasalanta ng bagyong "Haiyan" na kilala sa Pilipinas sa pangalang "Yolanda." Sa isang pahayag mula kay Chinese Foreign Minister Wang Yi, ipinarating ng mga Tsino ang pakikiisa sa mga naging biktima at mga naulila ng napakalaking trahedya.

Ipinarating ni Minister Wang ang pakikiramay kay Kalihim Albert F. del Rosario ng Ugnayang Panglabas sa tindi ng pinsalang idinulot ng napakalakas na bagyo noong Biyernes. Ang Red Cross Society of China ay nagbigay ng $ 100,000 bilang humanitarian aid upang mapag-ibayo ang relief efforts.

Ayon sa pahayag, magmamasid ang Tsina sa relief work at handang magbigay pa ng dagdag na suporta ayon sa pagsusuring gagawin. Umaasa ang mga Tsino na ang mga mamamayang apektado ng bagyo ay makalalampas sa matinding pagsubok, maibalik ang maayos na pamumuhay at maitayong muli ang kanilang mga tahanan sa pinakamadaling panahon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>