Hinimok kahapon ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga pamahalaang lokal na pabilisin ang reporma at ipatupad ang mga may kinalamang tungkulin na itinakda ng Pamahalaang Sentral noong pagpasok ng taong ito.
Sa kanyang pangungulo sa isang Pulong Ehekutibo ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina, ipinagdiinan ng premyer Tsino na ang mga reporma ay dapat mabatay sa mga patnubay na inaprubahan sa katatapos na Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Kabilang sa mga isyung itinampok sa pulong ay ang pagpapabuti ng mekanismo sa pagtatakda ng presyo ng mga prodoktong yaman o resource products, pagpapalalim ng repormang agrikultural at rural, pagpapasulong ng konstruksyon ng malayang sonang pangkalakalan, pagtugon sa polusyon at pagsusuperbisa sa food safety.
Salin: Jade