Sinabi kamakailan ni Ginoong Zhang Liqun, Tagasaliksik ng Development Research Center ng Konseho ng Estado ng Tsina, na upang makita ang masusing papel ng pamilihan sa pagpapasulong ng resources allocation, dapat siyentipikong istandardisahin at tiyakin ang saklaw ng tungkulin ng pamahalaan. Dapat din aniyang ipakita ng pamahalaan ang pamantayan sa pamamahala.
Kaugnay ng dokumentong pinagtibay sa katatapos na Ikatlong Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina(CPC), ipinalalagay ni Zhang na maliwanag ang pahayag dito hinggil sa reporma sa ibat-ibang larangan. Pumasok na rin aniya sa masusing yugto ang reporma ng bansa sa pagtatamo ng resultang substansyal. Dagdag niya, nakikita sa dokumento ang ugnayan ng mga reporma sa ibat-ibang larangan, na gaya ng reporma ng sistemang pangkabuhayan at pampulitika, pagkokompleto ng sistemang pampamilihan, at pagbabago ng tungkulin ng pamahalaan. Dagdag pa niya, pinapapansin sa dokumento ang mga isyung may kinalaman sa madaling pagsasagawa ng reporma at ipinaliwanag ang pokus ng reporma sa ibat-ibang larangan.