Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Macau at EU, pahihigpitin ang kooperasyon

(GMT+08:00) 2013-11-24 14:22:29       CRI

Nag-usap kahapon sa Macau sina Fernando Chui Sai On, Punong Ehektibo ng Macau, China, at Jose Manuel Durao Barroso, Tagapangulo ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU), hinggil sa mga natamong bunga ng dalawang panig nitong nakaraang 20 taon at pagpapalalim ng kooperasyon sa mga larangan sa hinaharap.

Pinasalamatan ni Chui ang pagkatig ng EU sa pag-unlad ng Macau. Naniniwala siyang patuloy na palalalimin at palalawakin ng dalawang panig ang kooperasyon sa serbisyo ng abiyasyon, kultura, edukasyon, pangangalaga sa kapaligiran sa hinaharap.

Ipinahayag ni Barroso na nakahanda ang EU na pahigpitin, kasama ng Macau, ang kooperasyon sa batas, edukasyon, kultura, pangangalaga sa kapaligiran, at pagpapalitan ng mga talento. Naniniwala siyang sa pamamagitan ng ganitong mga kooperasyon, makakakuha ang dalawang panig ng win-win situation at mutuwal na kapakinabangan.

Inilahad ni Chui ang kalagayan ng pag-unlad ng Macau, mga kooperasyon sa ibang mga probinsya ng Tsina at mga plano ng pag-unlad sa hinaharap.

Interesado si Barroso sa mga hakbangin ng Macau sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at pagtugon sa mga hamon sa hinaharap.

Sinabi pa niya na dahil sa patakarang isang bansa dalawang sistema, may espesyal na katayuan ang Macau sa buong Tsina at dahil pa riyan, maaaring gampanan ng Macau ang mahalagang papel sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at EU.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>