|
||||||||
|
||
Ayon kay Xie Zhenhua, puno ng delegasyon ng Tsina sa pulong, tatlo ang mga pangunahing bunga ng pulong na ito. Una, inilakip ang prinsipyo ng "komon pero magkakaibang responsibilidad" sa Durban Platform for Enhanced Action. Ikalawa, muling nangako ang mga maunland na bansa na magbibigay ng pinansyal na tulong sa mga umuunlad na bansa para sa pagharap sa pagbabago ng klima. Ikatlo, sumang-ayon ang lahat ng kalahok sa pagsasagawa ng talastasan hinggil sa pagbibigay-kompensasyon sa mga kapinsalaang dulot ng pagbabago ng klima.
Pero, sinabi rin ni Xie na hindi natugunan sa pulong ang lahat ng makatwirang kahilingan ng mga umuunlad na bansa. Hindi aniya ito ikinasisiya ng mga umuunlad na bansa, at nagdulot ito ng negatibong epekto sa mga susunod na pulong.
Dagdag pa ni xie, kahit ano pa ang magiging resulta ng mga pulong, patuloy na igigiit ng Tsina ang green at low-carbon growth.
Ipininid ang naturang pulong kamakalawa ng gabi.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |