![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Kahapon, opisyal na sinimulan ang gawain ng Peace Ark. Ipinahayag ni Guan Bolin, Pangalawang Komander ng naturang tungkulin at opisyal ng hukbong pandagat ng Tsina, na ang Peace Ark ay mayroong 300 higaan, 128 medical personnel at moderno ang mga pasilidad na medikal nito.
Bukod sa Tacloban, Palo at iba pang lugar na malubhang naapektuhan ni Yolanda, itinayo rin ng medical team ng Peace Ark ang pansamantalang ospital. Sa Palo, ang mga medikal na personaheng Tsino ay kauna-unahang grupo ng doktor na dayuhan na dumating sa lugar pagkatapos ni Yolanda.
Isinalaysay ni Wang Jinbo, opisyal ng Embahadang Tsino sa Pilipinas na mataas na pinahahalagahan ng panig militar ng Pilipinas ang hospital ship mula sa Tsina. Aktibong nakipagkoordina ang Pilipinas sa Tsina sa iba't ibang kinauukulang larangan. Pagkatapos ng bagyo, di-matatag ang seguridad ng lipunan ng Pilipinas, kaya ipinadala ng panig na militar ng Pilipinas ang mga sundalo mula sa marine corps ng hukbong pandagat ng Pilipinas sa medical team ng Tsina para igarantiya ang kaligtasan ng mga materyal na panaklolo at medical personnel na Tsino.
Sa kanyang pagtaya sa sitwasyon, ipinalalagay ni Guan Bolin na napakalaki ng pangangailangang medikal sa Leyte at Samar. Bukod dito, sinabi rin niyang ang trapiko ay isa sa mga pangunahing hadlang para sa gawaing medikal. Sinabi niyang napakahirap ng tungkuling ito, pero, magsisikap ang mga grupong medical na Tsino, itatayo nila ang pansamantalang hospital para gamutin ang mga mamamayan sa lalo madaling panahon.
Naantig ang damdamin ng mga lokal na mamamayan sa pagdating ng grupong medikal ng Tsina. Sinabi ng isang namamahalang tauhan ng isang hospital ng Pilipinas na: "Ang mga medical personnel ng Tsina ay dumating ng Pilipinas para tulungan ang mga mahirap na pilipino, maraming salamat sa mga Tsino. "
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |