Hanggang alas-singko ng hapon, kahapon, umabot na sa 877 nasugatan dahil kay bagyong Yolanda ang napagkalooban na ng serbisyong medikal ng "Peace Ark" Hospital Ship ng Tsina. Bukod dito, 25 iba pa ang inoperahan. Kasabay nito, nagpadala rin ito ng grupong medikal sa mga binagyong lugar at kasalukuyan na ngayong nagsasagawa ng pagdidisimpekta sa 3,150 metro kuwadradong lugar.
Samantala, bumisita kahapon si Dana Van Alphen, Regional Adviser for Disaster Management ng World Health Organization, sa Peace Ark at field hospital nitong naitayo sa guho ng Leyte Provincial Hospital. Nagbigay siya ng positibong pagtasa sa serbisyong medikal na ipinagkakaloob ng panig Tsino sa Pilipinas.
Salin: Liu Kai