Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Sina Xi Jinping at Joseph Biden, nag-uusap

(GMT+08:00) 2013-12-05 17:07:52       CRI
Dumating ng Beijing kahapon si Pangalawang Pangulong Joseph Biden ng Estados Unidos ay dumating ng Beijing kahapon at nagsimula ang kanyang pagdalaw sa Tsina. Kahapon ng hapon, idinaos nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Joseph Biden ang 4 na oras na pag-uusap sa Great Hall of the People dito sa Beijing.

Sa pag-uusap, buong pagkakaisang ipinalalagay ng dalawang panig na dapat palakasin ng Tsina at E.U. ang diyalogo, pagpapalitan at kooperasyon, dapat magkasamang magsikap ang dalawang panig para pasulungin ang konstruksyon ng bagong istilo ng relasyo ng mga malalaking bansa. Tinukoy ni Xi na bilang dalawang pinakamalaking ekonomya at pirmihang kasaping bansa ng UN Security Council, may responsibilidad ang Tsina at E.U. sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng daigdig, ang pagpapalakas ng diyalogo at kooperasyon ay tanging tumpak na pagpili ng dalawang bansa. Kaya aniya dapat igalang ng dalawang bansa ang kani-kanilang nukleong kapakanan at maayos na hawakan ang mga sensetibong isyu at hidwaan sa pagitan ng dalawang panig para igarantiya ang malusog, matatag at pangmatagalang pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

Ipinahayag ni Biden na nakahanda ang Amerika na pasulungin, kasama ng Tsina ang kanilang bagong istilo ng relasyon sa pagitan ng mga malaking bansa. Sa pag-uusap, ipinahayag ni Biden na mayroong pag-asa at pagkakataon sa naturang relasyon, at maaaring maiwasan ang pagulit ng kasaysayan kung saan palagiang nagaganap ang sagupaan sa pagitan ng mga malaking bansa.

Bukod dito, ipinahayag rin ni Biden na sa ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC, ipinasiya ng CPC na komprehensibong palalimin ang reporma, at ang kapasiyahang ito ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa E.U.. Ipinahayag ni Biden na ang pagpapanatili ng Tsina ng pag-unlad ay angkop sa kapakanan ng E.U.. nakahanda ang E.U. na palaksin ang pragmatikong pakikipagkooperasyon sa Tsina, palakasin ang pagpapalitan ng mga hukbo ng dalawang bansa, kontrolin ang pagkakaiba, para pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at E.U..

Bukod dito, sa pag-uusap, nanawagan si Pangulong Xi Jinping na aktibong palawakin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa iba't ibang larangan. Inulit rin ni Pangulong Xi ang paninindigan at prinsipyo ng Tsina sa ilang sensitibong isyung tulad ng isyu ng Taiwan, isyu ng Tibet at iba pa.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>