Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga PM ng Tsina at Pransya, nag-usap

(GMT+08:00) 2013-12-07 15:39:09       CRI

Nag-usap kahapon sa Beijing sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at dumadalaw na Punong Ministro Jean-Marc Ayrault ng Pransya.

Ipinahayag ni Li na dapat patatagin ng Tsina at Pransya ang pagkakaibigan, palawakin ang kooperasyon, at palakasin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Sinabi rin niyang ang susunod na taon ay ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, at dapat samantalahin ng dalawang bansa ang pagkakataong ito, para mapasulong sa mas mataas na antas ang kanilang relasyon. Dagdag pa ni Li, pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Unyong Europeo (EU), at umaasa itong mapapatingkad ng Pransya ang positibong papel para sa malusog na pag-unlad ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at EU.

Ipinahayag naman ni Ayrault na nakahanda ang Pransya, kasama ng Tsina, na pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palakasin ang pag-uugnayan, at panatilihin ang kooperasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Dagdag niya, dapat idaos nang buong husay ang mga aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Pransya at Tsina, at ibayo pang palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa. Sinabi rin ni Ayrault na pasusulungin ng Pransya ang pagtatamo ng mas maraming bunga ng kooperasyon ng EU at Tsina.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>