Idinaos kahapon sa Beijing ang di-pormal na pulong ng mga nakakataas na opisyal ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Sa pulong na ito, ipinaalam ng panig Tsino sa mga kasapi ng APEC ang tema at mga pangunahing paksa ng ika-22 di-pormal na pulong ng mga lider ng organisasyong ito na idaraos sa susunod na taon sa Beijing. Ang tema ng pulong ay "Shaping the Future through Asia-Pacific Partnership." Ang tatlong pangunahing paksa naman ay pagpapasulong ng integrasyong pangkabuhayan ng rehiyong Asya-Pasipiko; pagpapasulong ng pag-unlad na may inobasyon, reporma at paglaki ng kabuhayan; at pagpapalakas ng komprehensibong pagpapaunlad ng connectivity at imprastruktura.
Salin: Liu Kai