Kaugnay ng pagpapalabas ng Ministring Panlabas ng Hapon ng mga multi-langauage video clip hinggil sa pag-aangkin ng soberanya sa mga pinagtatalunang isla nila ng ibang bansa, nagpahayag kahapon ng pagkondena ang Timog Korea at Tsina.
Sinabi ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng T.Korea na ang Dokdo Island ay teritoryo ng bansang ito, at dapat agarang tanggalin ng Hapon ang naturang video clip. Aniya, walang humpay na gumagawa ang Hapon ng probokasyon sa isyu ng pinagtatalunang teritoryo; dahil dito pinagdududanan ng T.Korea ang mithiin ng Hapon sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ng tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat tumpak na pakitunguhan ng Hapon ang katotohanang ang Diaoyu Islands ay teritoryo ng Tsina, at dapat itigil nito ang lahat ng probokasyon sa isyung ito.
Salin: Liu Kai