Pagkaraan ng pagkakaloob ng serbisyong medikal sa mga lugar ng Pilipinas na sinalanta ni super typhoon Yolanda, bumalik ngayong araw ang "Peace Ark" Hospital Ship ng Tsina sa puwerto ng Zhoushan sa silangang bahagi ng bansa.
Ang misyong ito ay kauna-unahang pagpapadala ng Tsina ng hospital ship nito sa purok-kalamidad ng ibang bansa, para magkaloob ng tulong na serbisyong medikal.
Sa 16-araw na pananatili sa Pilipinas, napagkalooban ng serbisyong medikal ng "Peace Ark" ang 2,208 sugatan, at 44 na iba pa ang inoperahan. Kasabay nito, nagpadala rin ang "Peace Ark" ng mga grupong medikal sa mga binagyong lugar. Nagbigay sila ng mga gamot sa mahigit 450 pamilya, sinuri ang 25 pinagkukunan ng tubig, at gumawa ng pagdidisimpekta sa halos 51.8 libong metro-kuwadrado purok.
Ang gawaing ito ng Peace Ark ay binigyan ng positibong pagtasa ng pamahalaan at mga mamamayan ng Pilipinas, at mga pandaigdig na organisasyon na gaya ng United Nations, World Health Organization, at iba pa.