Ipinahayag ngayong araw ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na maliwanag ang paninindigan ng panig Tsino sa isyung nuklear ng Korean Peninsula na laging iginigiit nito ang walang nuklear na Korean Peninsula at naninindigan sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng peninsula at paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo.
Winika ito ni Hua bilang tugon sa komentaryong ipinalabas kahapon ng Rodong Sinmun na nagsasabing ang bansang Hilagang Korea ay nagsulong ng nuclear energy bunga ng pamumuno ni Kim Jung-il.