|
||||||||
|
||
Inasahang tatanggap ng pagkain at mga laruan ang 5,000 katao sa Marabut at 7,000 naman sa Basey. Ito umano ang ika-12 humanitarian mission ng Team Albay – Office of Civil Defense Regional Office No. 5. Nakapagdala na rin sila ng ayuda sa Tacloban kamakailan.
Noong 2011, dumalo rin ang mga taga-Albay sa mga nasalanta sa Cagayan de Oro at sa Iligan City. Nagdala rin sila ng mga ala-ala noong Valentine's Day sa Guihulngan. Noong nakalipas na taon, dumalaw din ang Team Albay sa Cateel.
Magugunitang nagdala ng 17 sasakyan, 179 katao at ayudang nagkakahalaga ng P 7.5 milyon. Nagpapasalamat ang Albay sa pagdalaw ng may 50,000 mga Tsino, pagbabalik ng mga butanding at pagtaas ng presyo ng copra mula P 22 hanggang P 38 bawat kilo.
Ayon kay Gobernador Jose Sarte Salceda, noong nakalipas na 2006, nagbigay ang Albay ng noche buena packs para sa may 200,000 mga taga-Albay matapos hagupitin ni "Reming".
Sa pagdating ng mga banyagang tumulong sa Tacloban City, naglingkod na lamang ang mga taga-Albay sa loob ng dalawang linggo. Kanselado ang mga tradisyunal na Christmas parties kaya't nakalikom ng sapat na salapi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |