Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bating Pambagong Taon ni Director-General Wang Gengnian ng CRI

(GMT+08:00) 2014-01-01 14:59:33       CRI


Ngayong araw ay unang araw ng bagong taong 2014. Nagpalabas ng mensahe si Wang Gengnian, Director-General ng China Radio International, bilang pagbati sa okasyon ng bagong taon sa lahat ng mga tagasubaybay ng CRI sa loob at labas ng Tsina. Narito ang buong teksto ng mensaheng ito.

Mga giliw na tagapakinig, tagapanood, at netizens:

Sa ngalan ng China Radio International (CRI) at China International Broadcasting Network (CIBN), ipinapaabot ko mula sa Beijing ang bating Pambagong Taon sa inyong lahat! Sa pagpasok ng 2014, sana ay laging sumainyo ang kaligayahan, kapayapaan, at mabuting kapalaran.

Noong huling dako ng taong 2013, sa pamamagitan ng iba't ibang wika at plataporma ng multimedia, nagkober ang CRI sa ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Naakit ng sesyong ito ang malaking pansin mula sa buong daigdig, dahil mahalaga ito para sa mga patakaran ng estado at pamumuhay ng mga mamamayan ng Tsina, at gayundin sa pagguhit ng bagong blueprint ng reporma at pag-unlad ng bansa. Tulad ng sinabi ni Naser Farid, tagapakinig ng CRI mula sa Yemen, sa mahalagang sesyong ito, hindi lamang nilagom ang reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina nitong 35 taong nakalipas, kundi itinakda rin ang saligang patakaran at direksyon ng pag-unlad ng bansa, sa darating na sampung taon at mas mahabang panahon.

Kapag mayroon tayong pangarap, hindi tayo titigil hangga't hindi natin nakakamit ito. Nitong isang taong nakalipas, patuloy na isinulong ng CRI ang paggamit ng iba't ibang porma ng media at pagtatatag ng isang moderno, komprehensibo, at bagong-uring pandaigdigang media. Noong isang taon, lumaki sa 65 ang bilang ng mga wikang ginagamit ng CRI para sa pagsasahimpapawid. Sa pamamagitan ng iba't ibang paraan ng komunikasyon na gaya ng radyo, internet, social media, mobile devices, print media, at iba pa, ang CRI ay nagkaloob sa mga tagasubaybay, ng mas mabilis at napapanahong impormasyon, hinggil sa Tsina at daigdig. Bumilis ang lokalisasyon ng CRI. Hanggang noong katapusan ng nagdaang taon, itinatag namin ang 95 overseas radio station, 25 overseas production room, at 13 Confucius classroom sa iba't ibang bansa. Sa pamamagitan ng mga ito, nakakapaglingkod kami sa mga tagasubaybay sa paraang mas katanggap-tanggap sa kanila. Sinubok din ng CRI ang mga bagong paraan ng pagpapalitang kultural. Isinalin namin ang mga pelikula at TV series sa ibang wika, at nagbukas ng bagong paraan para malaman ng mga dayuhang tagasubaybay ang kulturang Tsino at pamumuhay ng mga pamilya ng Tsina.

Sa background ng kasalukuyang globalisasyon, hindi dapat maihiwalay sa isa't isa ang Tsina at daigdig, at kailangang malaman nang mas mabuti ng daigdig ang Tsina. Batay sa konsepto ng "paninindigan ng Tsina, pananaw ng daigdig, at iniisip ng sangkatauhan," layunin ng CRI na ipaalam sa daigdig ang Tsina at ipaalam sa Tsina ang daigdig, iulat sa daigdig ang mga pandaigdigang nangyayari, at palalimin ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at daigdig." Patuloy na bibigyang-pansin ng CRI ang mga suliranin ng buong daigdig, at ilalahad ang value of China sa pamamagitan ng mga obdiyektibo at makatarungang ulat.

Mga kaibigan, sa dakong kanluran ng kasalukuyang gusali ng CRI, itatayo ang isang mas malaki at modernong office building. Pagkaraang maisaoperasyon ang bagong gusaling ito, mas mabuting makakapaglingkod ang CRI sa buong daigdig sa pamamagitan ng di-kukulangin sa 65 wika, at multimedia na kinabibilangan ng audio, video, at iba pa. Ang pagsasakatuparan ng aming dakilang hangarin ay hindi dapat maihiwalay sa inyong pagsusubaybay at pagkatig. Mas matatag naming isusulong ang mga planong ito, sa pamamagitan ng inyong pagsuporta at ibinibigay na pag-asa. Sa pagkakataong ito, nagpapahayag ako, sa ngalan ng lahat ng CRI staff, ng taos-pusong pasasalamat sa inyo.

"Ang biyahe ng sanlibong milya ay magsisimula sa unang hakbang." Sa pagpasok ng bagong taon, mayroon kaming bagong misyon. Patuloy na magsisikap ang CRI para sa pagpapaunlad ng multimedia platform at pagpapabuti ng pagsasahimpapawid, upang malaman ninyo; aming mga kaibigang dayuhan ang isang tunay at makulay na Tsina.

Mga giliw na tagasubaybay, sana'y patuloy ninyong susubaybayan at katigan ang CRI. Bilang panapos, muli akong bumabati sa inyo ng isang manigong Bagong Taon! Salamat!

Mga kaibigan, iyan po ang bating Pambagong Taon ni Wang Gengnian, Director-General ng CRI. Sa okasyong ito, ang lahat ng bumubuo ng Serbisyo Filipino ay bumati rin sa inyo ng Manigong Bagong Taon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>