Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na lubos na ikinapopoot ng Tsina at Timog Korea ang pagbibigay-galang ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine. Kapwa naninindigan aniya ang dalawang panig na dapat tumpak na pakitunguhan at malalimang pagsisihan ng panig Hapones ang kasaysayan.
Sinabi ng tagapagsalitang Tsino na ang Tsina at Timog Korea ay estratehikong magpartner, at palagiang napapanatili ng dalawang bansa ang mahigpit na pagkokoordinahan at pagsasanggunian tungkol sa mga isyung kapwa nila pinahahalagahan.
Salin: Li Feng