|
||||||||
|
||
Noong ika-26 ng nagdaang buwan, nagbigay-galang si Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon sa Yasukuni Shrine kung saan nakadambana ang 14 na class-criminals noong World War II (WWII). Ito ay maituturing na nakapagpabilis sa pag-urong ng kasaysayan.
Ang mapanalakay na digmaan na inilunsad ng mga pasista ay dati nang madilim na bahagi ng kasaysayan ng buong sangkatauhan. Kung paanong haharapin ang naturang madilim na kasaysayan ng sangkatauhan, lumitaw ang malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng Alemanya at Hapon.
Noong isang taon ay ika-80 anibersaryo ng panunungkulan ni Hitler sa Alemanya. Inulit ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya na, kaugnay ng krimen ng Nazi, dapat isabalikat ng Alemanya ang pangmatagalang responsibilidad. Dapat panatilihin ang ganitong pagsisisi ng bawat henerasyon ng Alemanya, aniya pa.
Noong isang taon ay ika-76 na anibersaryo rin ng paglulunsad ng Hapon ng komprehensibong pananalakay sa Tsina. Nang mabanggit ang mapanalakay na kasaysayan ng Hapon, lantarang ipinahayag ni Abe na may maipagmamalaking kasaysayan ang Hapon, at dapat ito igalang ng mga kapitbansa nito. Bilang isang statesman, siya ay walang konsiyensiya at walang kahihiyan.
Sinabi kamakalawa ni Steffen Seibert, Tagapagsalita ng pamahalaang Aleman na dapat maging tapat ang bawat bansa sa sariling aksyon hinggil sa World War II. Aniya, kung tumpak na haharapin lamang ang kasaysayan, magkakasamang maitatatag ng iba't ibang bansa ang magandang hinaharap.
Kung hindi magiging "matapat" ang Hapon at hindi "tumpak na pakikitunguhan" nito ang mapanalakay na kasaysayan ng bansa, imposableng magkakasamang maitatatag ng pamahalaan ni Abe at mga ibang bansa ang kinabukasan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |