Ayon sa mungkahi na ipinalabas kamakalawa ng Ministry of Industry and Information Technology at pamahalaan ng Shanghai, batay sa pangako ng Tsina sa World Trade Organization (WTO), idinagdag ng Tsina ang 4 na bukas na larangan at ibayo pang itinaas ang proporsyon ng pondong dayuhan sa ilang larangan.
Ayon sa nasabing mungkahi, ibayo pang magbubukas ang Tsina sa labas ng 4 na serbisyo na kinabibilangan ng contact center service, domestic multiparty-communication service, internet access service, at domestic internet virtual private network service. Walang limitasyon sa proporsyon ng foreign shares sa unang tatlong serbisyo. Ngunit hindi dapat lumampas sa 50% ang proporsyon ng foreign shares sa domestic internet virtual private network service.
Salin: Andrea