Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulong Xi, nagparating ng bating Pambagong Taon para sa mga mamamayang Tsino at Tsinong etniko sa ibayong dagat

(GMT+08:00) 2014-01-30 18:41:03       CRI


Sa bisperas ng paglapit ng Taon ng Kabayo ayon sa Chinese Lunar Calendar, ipinahayag ngayong araw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang bating Pambagong Taon para mga mamamayang Tsino; mga kababayang Tsino sa Taiwan, Macao at Hong Kong; at mga Tsinong etniko sa ibayong dagat. Narito ang buong mensahe ni Pangulong Xi.

"Ang Spring Festival ayon sa kalendaryong lunar ng Tsina ay tradisyonal na kapistahan ng Nasyong Tsino. Ito ay kapistahan dinng mga Tsinong etniko sa apat na sulok ng mundo. Sa okasyong ito, ipinahahayag ko ang bating Pambagong Taon para sa mga mamamayang Tsino ng iba't ibang pambansang nasyunalidad, ang taos-pusong pangungumusta sa mga kababayang Tsino sa Taiwan, Hong Kong at Macao; at ang magandang hangarin sa mga Tsinong etniko sa iba't ibang bahagi ng mundo. Hangad ko ang kalusugan, kaligayahan at kasaganaan para sa inyong lahat. Umaasa akong ang lahat ng mga mamamayang Tsino ay patuloy na makapagpupunyagi para buong-pagkakaisang makapag-ambag para sa inang-bayan. Taos-pusong hangad ko ang kasaganaan ng inang-bayan at hangad ko rin ang mas maganda at masayang pamumuhay ng sambayanang Tsino."

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>