Bilang tugon sa balangkas na resolusyon hinggil sa makataong tulong sa Syria na isinumite sa United Nations (UN) Security Council ng ilang bansa, ipinahayag kahapon ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na sa kasalukuyan, hanggang pinag-uusapan pa rin ng mga may kinalamang panig ang nabanggit na isyu, hindi makatwiran hulaan ang resulta ng talastasan.
Binigyang-diin ng tagapagsalitang Tsino na sa kasalukuyan, kailangang magkakasamang magsikap ang komunidad ng daigdig para mabigyan ng makataong tulong ang mga sibilyang Syriano at makalikha ng mainam na kondisyon para sa idinaraos na diyalogo ng Pamahalaan ng Syria at oposisyon nito.
Salin: Jade