Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, inilahad ni Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina ang apat na puntong palagay at patakaran ng kanyang bansa sa kasalukuyang kalagayan ng South China Sea.
Ayon kay Wang, una, matatag ang kalagayan ng South China Sea, at may kakayahan at kompiyansa ang Tsina na patuloy na pangalagaan, kasama ng mga bansang ASEAN, ang kapayapaan sa rehiyong ito. Ikalawa, walang problema sa malayang nabigasyon sa South China Sea noong nakaraan, sa kasalukuyan, at sa hinaharap. Ikatlo, batay sa pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, pinapasulong ngayon ng Tsina at mga bansang ASEAN ang talastasan hinggil sa Code of Conduct sa South China Sea. At ikaapat, may sapat na batayan sa kasaysayan at batas ang soberanya ng Tsina sa mga isla at nakapaligid na karagatan sa South China Sea, samantala, umaasa pa rin ang Tsina na mapayapang malulutas ang hidwaan sa South China Sea sa pamamagitan ng talastasan nila ng mga bansang may direktang ugnayan sa isyung ito.