Sinabi kamakailan ng isang mataas na opisyal ng hukbong pandagat ng Amerika, na kung magsasagupaan ang Pilipinas at Tsina dahil sa hidwaan sa South China Sea, magbibigay-tulong ang Amerika sa Pilipinas. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat buong higpit na sundin ng Amerika ang pangako nitong walang papanigan sa mga isyung may kinalaman sa teritoryo at soberanya.
Sinabi rin ni Hua na walang kinalaman ang Amerika sa hidwaan sa South China Sea, kaya dapat mag-ingat ito sa mga pananalita at aksyon kaugnay ng isyung ito.