Ipinalabas kamakailan ng Parliamento ng Singapore ang badyet na piskal para sa taong 2014. Kabilang dito, nakatawag ng malaking pansin ang paglalaan ng pamahalaan ng 8 bilyong Singapore Dollar para maitatag ang isang Pioneer Generation Fund. 450 libong mamamayang Singapore na mga edad na 65 taon pataas at nakapagbigay ng ambag sa pagtatatag ng bansa ang tatanggap ng pangmatagalang medical care.
Ayon sa nasabing plano, ang lahat ng Singaporean na kabilang sa edad na ito ay puwedeng makakuha ng 75% hanggang 85% na subsidy kapag nagpa-ospital.
Bukod dito, ang bagong badyet ay may pondo rin sa iba pang aspekto ng pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagbabawas sa halaga ng tubig, koryente at iba pang gastos ng pamumuhay ng mga pamilyang mababa ang kita, pagbabawas ng proporsyon ng buwis ng mga may-kapansanan at kanilang mga kamag-anakan at iba pa.