Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pansamantalang Presidente ng Ukraine, kinondena ang blokeyo ng tropang Ruso; NATO, pangkagipitang nagtalakayan hinggil sa isyu ng Ukraine

(GMT+08:00) 2014-03-03 17:29:46       CRI
Kiev, kabisera ng Ukraine: ipinahayag kahapon dito ni Oleksandr Turchynov, Ispiker ng Parliamento at Pansamatalang Presidente ng Ukraine na ang blokeyo ng tropang Ruso sa tropang Ukraine na nakabase sa Crimea ay pananalakay na militar. Nagbaba rin aniya ang Rusya ng ultimatum sa tropa ng Ukraine para umalis sila ng Crimea kahapon ng madaling araw.

Pinagtibay kamakalawa ng Federation Council, Mataas na Kapulungan ng Rusya ang proposal ni Pangulong Vladimir Putin hinggil sa paggamit ng puwersang militar sa Ukraine. Ipinahayag ng Ministring Panlabas ng Rusya na hindi ito nangangahulugang magpapadala kaagad ang Rusya ng tropa sa Ukraine. Sinabi rin kahapon ni Valentina Matviyenko, Tagapangulo ng Federation Council, na bilang bansang magkapatid, hind kailanman maglalabanan ang Rusya at Ukraine kahit pinagtibay na ang nasabing proposal.

Pagkaraan ng walong-oras na pulong ng North Atlantic Treaty Organization (NATO), hinimok ni NATO Secretary General Anders Fogh Rasmussen ang Rusya na huwag nang painitin ang situwasyon sa Ukraine.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>