Binuksan kaninang hapon ang taunang sesyon ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), at sisimulan naman sa ika-5 ng buwang ito, ang taunang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC). Ipapalabas ng mga naturang sesyon ang mga impormasyon hinggil sa isasagawang reporma ng Tsina.
Ang taong ito ay unang taon ng pangangasiwa ng kasalukuyang pamahalaan ng Tsina. Kaya, sa mga sesyon ng NPC at CPPCC ngayong taon, dapat iharap ng sentral na pamahalaan ang working report sa NPC para sa pagsusuri at marinig ang mga mungkahi mula sa mga kagawad ng NPC at CPPCC. Ang taong ito ay unang taon din kung saan sinimulan ng Tsina ang pagsasagawa ng patakaran ng "komprehensibong pagpapalalim ng reporma," kaya, tiyak na ipapalabas ang mga mahalagang patakaran at hakbangin sa mga idaraos na sesyon.
salin:wle