|
||||||||
|
||
——mga 7.5%
Iniharap ng naturang ulat na sa 2014, ang pangunahing target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina ay: lalaki nang mga 7.5% ang kabuuang halaga ng produksyong panloob (GDP). At ayon sa pagtaya, lalaki nang mga 7.5% ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat sa taong ito.
——mga 3.5%
Kokontrulin sa mga 3.5% ang Consumer Price Index ng Tsina sa 2014.
——mahigit 10 milyong na populasyon
Sa 2014, madadagdagan ang bagong pagkakataon ng hanap-buhay para sa mahigit 10 milyon mamamayan sa mga lunsod at bayon.
——1.35 tilyong yuan RMB
Patuloy na isasagawa ng Tsina ang proaktibong patakarang pinansyal. Ayon sa plano, ang budget deficit ng taong ito ay mga 1.35 trilyong yuan RMB na lumaki nang 150 bilyong yuan RMB kumpara sa nakaraang taon.
——13%
Ayon sa pagtaya, lalaki nang mga 13% ang broad money (M2) sa taong ito.
——200 bagay
Sa taong ito, kakanselahin at bibigyan ang mga pamahalaang lokal ng kapangyarihan na mahigit 200 proseso ngpagsuperbisa at pag-aaprobang pulitikal.
——100 milyong tao
Pasusulungin ang pagpapalipat ng 100 milyong tao na taga-nayon sa lunsod, pabubutihin ang bahay ng halos 100 milyong tao, at bigyan ng patnubay ang pagsasalunsod ng halos 100 milyong tao sa kanluran at gitna ng bansa.
——10%
Tinukoy ng ulat na tataas ng mahigit 10% ang bilang ng mga estudyante sa mahirap ng purok na makapasok sa top universities.
——7 milyong pabahay
Itatayo ang mahigit 7 milyong affordable housing.
——3.9%
Ibababa ng mahigit 3.9% ang energy consumption intensity sa taong ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |