|
||||||||
|
||
Ayon sa International Arrivals schedule ng Beijing Capital International Airport ay "delayed"
Nawalan ng kontak kaninang madaling araw ang isang eroplanong pampasahero ng Malaysia Airlines mula sa Kuala Lumpur patungong Beijing.
Ayon sa Malaysia Airlines, sakay ng eroplanong ito na Boeing 777 ang 227 pasahero at 12 crew members. Kabilang dito, 154 ang galing sa Tsina, 38 ang galing sa Malaysia, at ang mga nalalabi ay galing sa iba pang 11 bansa.
Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, nagpahayag ng pagkabahala
Pagkaraang malaman ang pangyayaring ito, nagpahayag ng kanyang pagkabahala si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina. Agarang isinagawa ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pangkagipitang mekanismo, para subaybayan ang pag-unlad ng pangyayari at bigyang-tulong ang mga kamag-anakan ng mga pasaherong Tsino.
Sinimulan naman ng Malaysia Airlines ang gawain ng paghahanap at pagliligtas. Dahil huling natanggap ang signal ng eroplanong ito sa himpapawid na kontrolado ng Biyetnam, hiniling din ng Malaysia Airlines sa panig Biyetnames na magbigay-tulong sa gawain ng paghahanap at pagliligtas.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |