Pagkaraang malaman ang hinggil sa kawalang-kontak ng isang eroplano ng Malaysia Airlines na may lulang maraming pasaherong Tsino, inutusan ngayong araw nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina ang mga may kinalamang departamento ng bansa na agarang magsagawa ng hakbangin para subaybayan ang pag-unlad ng pangyayari at bigyang-tulong ang mga kamag-anakan ng mga pasaherong Tsino.
Sa kasalukuyan, nagsasagawa na ng pangkagipitang mekanismo bilang tugon sa pangyayaring ito ang Ministring Panlabas, Ministri ng Komunikasyon at Transportasyon, Civil Aviation Administration, at mga iba pang may kinalamang departamento ng Tsina.