Ipinahayag kaninang umaga ng China Maritime Search and Rescue Centre na sa ilalim ng koordinasyon nito, palalawakin pa ng walong bapor na Tsino ang saklaw ng pinaghahanapan para sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines. Batay sa kasalukuyang karagatang pinaghahanapan, lalawak pa ito sa direksyong pa-timog-silangan.
Ayon pa rin sa naturang sentro, hanggang kagabi, nakapaghanap na ang walong bapor na Tsino sa mahigit 51 libong kilometro-kuwadradong karagatan, pero wala pa ring natuklasan.
Samantala, binago naman ngayong araw ng Biyetnam ang lugar na pinaghahanapan para sa nawawalang eroplano. Sa kasalukuyan, ang paghahanap nito ay nakapokus sa karagatan sa dakong timog ng bansa.
Salin: Liu Kai