|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw sa Kuala Lumpur ni Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia ang news briefing, kung saan inilahad niya ang pinakahuling impormasyon hinggil sa nawawalang Flight MH370 ng Malaysia Airlines.
Sinabi ni Razak na malaking posibilidad na sadyang pinatay ang communication device sa eroplanong ito, at sadya ring binago ang ruta nito. Pero aniya, wala pang katiyakan ang pinal na lokasyon ng eroplano.
Ayon pa rin sa kanya, huling natanggap ang signal ng eroplano noong alas-8:11, ika-8 ng buwang ito, dahil sinubok na makipagkontakan ng eroplano sa satellite. Ito ay malaking pagkakaiba sa ipinatalastas na oras ng kawalang-kontak sa eroplano na alas-2:30.
Bilang tugon naman sa ulat ng ilang media hinggil sa hijacking sa eroplano, sinabi ni Razak na sinisiyasat ngayon ng panig Malaysiyano ang lahat ng mga posibilidad na kinabibilangan ng hijacking. Dagdag pa niya, sa susunod, ang pokus ng paghahanap ng eroplano ay dadako sa karagatan ng Indian Ocean.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |