Nakipagtagpo kagabi sa Beijing si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at kanyang asawa si Peng Liyuan, kay Michelle Obama, asawa ni Pangulong Barack Obama ng Amerika.
Sa pagtatagpo, nagpahayag si Xi ng mainit na pagtanggap kay Michelle Obama, kasabay ng pagpaaabot ng pangungumusta kay Pangulong Obama. Sinabi rin ni Xi na umaasa siyang sa pamamagitan ng pagsisikap ng kapwa panig, patuloy na susulong ang relasyong Sino-Amerikano.
Sa paanyaya ni Peng Liyuan, dumating kamakalawa sa Beijing si Michelle Obama, para sa kanyang pagdalaw sa Tsina. Kasama ng Chinese First Lady, bumisita kahapon si Michelle Obama sa Forbidden City, at nagsagawa ng pakikipagpalitan sa mga estudyante ng high school sa Beijing. Bukod sa Beijing, bibisita rin siya sa Xi'an at Chengdu.