Sinabi kahapon ni Oleksander Turchynov, Interim President ng Ukraine, na ipinasiya ng bansa na muling idedeploy ng bansa ang mga tropa na iniurong mula sa Crimea. Aniya, natapos na ng tropang Ukraine sa Crimea ang kanilang tungkulin, at nagkaroon sila ng oras para paghandaan ang depensa ng bansa.
Sinabi naman ni Andrey Deshchica, nanunungkulang Ministrong Panlabas ng Ukraine, na nagiging mas malaki ang posibilidad ng digmaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine. Aniya, kung sasalakay ang Rusya sa Ukraine, handa ang Ukraine para ipagtanggol ang bansa.
Salin: Andrea