Dahil sa bumubuting panahon, muling sinimulan ngayong araw ng Australya ang paghahanap sa nawawalang MH370. Ipinahayag ni David Levy, Tagapagsalita ng United States Seventh Fleet, na dumating na sa Perth, Australya ang dalawang kagamitan ng Amerika para hanapin ang black box ng MH370. Gagamitin ang mga ito pagkaraang tiyakin ang lokasyon ng eroplano.
Ayon pa kay Levy, ang nasabing mga kagamitan ay Towed Pinger Locator 25 (TPL-25) at Unmanned Underwater Vehicles (UUV) na "Bluefin21."
Salin: Andrea