Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa may kinalamang tadhana ng pandaigdig na batas, hindi tatanggapin ng kanyang bansa ang arbitrasyon hinggil sa isyu ng South China Sea, na unilateral na iniharap ng Pilipinas. Aniya, hindi rin lalahok ang Tsina sa naturang arbitrasyon.
Dagdag pa ni Hong, umaasa ang Tsina na lubos na mapagtatanto ng Pilipinas ang pagiging masalimuot at sensitibo ng isyu ng South China Sea. Hinihimok ng Tsina ang Pilipinas na bumalik sa tamang landas ng paglutas sa hidwaan, sa pamamagitan ng talastasan at pagsasanggunian, at huwag igiit ang mga maling aksyon. Ani Hong, ito ay para maiwasan ang ibayo pang kapinsalaan sa relasyong Sino-Pilipino.
Salin: Liu Kai