Nilagdaan kahapon ng mga bangko sentral ng Tsina at Alemanya ang memorandum of understating hinggil sa pagtatatag ng RMB clearing at settlement mechanism sa Frankfurt, Alemanya.
Ang pagtatatag ng mekanismong ito ay makakatulong sa pagsasagawa ng mga bahay-kalakal at institusyong pinansyal ng Tsina at Alemanya ng transnasyonal na transaksyon sa pamamagitan ng RMB. Pasusulungin nito ang liberalisasyon at pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ng panig Aleman ang mainit na pagtanggap sa pagpapatingkad ng RMB ng mas malaking papel sa pandaigdig na financial at monetary systems.