Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, nanindigang hindi sila sinabihan ng Pilipinas hinggil sa Memorial

(GMT+08:00) 2014-04-01 19:08:23       CRI

SINABI ni Ginoong Sun Xiangyang, Charge d'Affaires a.i. ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas na sa karaniwang mga pagkakataon, ang pagsusumite ng dokumento sa international arbitration ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng magkabilang-panig.

Sa isang press conference, sinabi ni G. Sun na hindi nasabihan ng Pilipinas ang Tsina at hindi humiling ng pagsang-ayon bago kumilos para sa arbitration. Matapos simulan ng Pilipinas ang pagdulog sa arbitration, sinabi na ng Tsina na hindi matatanggap ang paraang ito. Hindi pinansin ng Pilipinas ang paninindigan ng Tsina at patuloy na humiling na masimulan na ang arbitration.

Nakapinsala ang pagkilos na ito ng Pilipinas sa relasyong namamagitan sa dalawang bansa. Mahirap umanong unawain ang pagkilos ng Pilipinas at lubhang nababagabag sa magiging epekto ng pagkilos na ito.

Handa ang Tsina, ani G. Sun na malutas ang 'di pagkakaunawaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pag-uusap. Natural lamang umanong mayroong mga iringan sa magkakabitbahay, dagdag pa niya. Ang mahalaga ay kung paano malulutas ang mga 'di pagkakaunawaan.

Ayon sa International Law at international practices, karaniwan ang direct negotiations at ito rin ang pika-epektibong paraan ng paglutas sa sigalot.

Ang negosasyon ay maaaaring magtagal subalit ang kasunduang matatamo sa pamamagitan ng negsasyon ay katanggap-tanggap sa magkabilang panig.

Ang international arbitration ay isang paraan ng paglutas sa 'di pagkakaunawaan subalit wala itong maiaalok na solusyon sa lahat ng problema. Sa katotohanan, may mga usaping kinakitaan ng desisyon ng arbitral bodies subalit hindi pa rin nagtatapos ang mga mahahalagang isyu.

Napapaloob umano sa Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea na nilagdaan ng Tsina at ng mga bansang kabilang sa ASEAN. Matapos lagdaan ang kasunduan, nararapat lamang itong igalang at pahalagahan ang napagkasunduan.

Sa isyu ng Nansha islands noong Agosto 1995, nagkasundo ang Tsina at Pilipinas na kilalanin ang pagtutulungan sa pamamagitan ng maayos na kasunduan.

Ipinaliwanag pa ni G. Sun na napapaloob sa Joint Statement Between China and the Philippines on the Framework of Bilateral Cooperation in the 21st Century noong Mayo 2000, nagkasundo ang Tsina at Pilipinas na isulong ang payapang paglutas sa 'di pagkakaunawaan sa bilateral friendly consultations and negotiations ayon sa mga probisyon ng International Law.

Noong Setyembre 2011, ang Tsina at Pilipinas ay naglabas ng joint statement na naglalaman ng pangako ng mga pinuno ng dalawang bansa na lutasin ang 'di pagkakaunawaan sa pamamagitan ng payapang pag-uusap.

Karapatan din ng Tsina na tanggihan ang arbitration ayon sa International Law.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>