Pinagtibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Estados Unidos (E.U.) ang resolusyong may kinalaman sa pagbebenta ng bapor na militar sa Taiwan. Kaugnay nito, ipinahayag ngayong araw ni Geng Yansheng, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina, na sa pagdalaw ni Chuck Hagel, Ministro ng Tanggulang Bansa ng E.U. sa bansa, maliwanag na ipinahayag na ng panig Tsino ang pagtutol sa resolusyong ito.
Inulit ni Geng na ang isyu ng Taiwan ay may kinalaman sa soberanya at kabuaan ng teritoryo ng Tsina. Hinihiling aniya ng Tsina sa panig Amerikano na lubos na alamin ang sensitibidad ng isyung ito, igalang ang nukleong kapakanan at interes ng Tsina, at itigil ang mga pananalita at aksyong makakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano at mapayapang pag-unlad ng relasyon ng magkabilang panig ng Taiwan Straits.