|
||||||||
|
||
Ipinahayag ngayong araw ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hinimok ng panig Tsino ang Kongresong Amerikano na itigil ang mga panukala hinggil sa isyu ng Taiwan.
Pinagtibay kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang panukalang batas na may kinalaman sa Taiwan Relations Act at pagbebenta ng mga barkong panagupa sa Taiwan.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na ang di-umano'y Taiwan Relations Act ay unilateral na itinakda ng panig Amerikano at ito ay labag din sa prinsipyo ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika.
Dagdag pa ni Hong, ang pagbebenta ng mga sandata sa Taiwan ay lumalabag din sa prinsipyo ng tatlong magkasanib na komunike ng dalawang panig at ito ay grabeng pakikialam din sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |