Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Taunang lakbayan, idaraos na muli

(GMT+08:00) 2014-04-11 18:30:06       CRI

ISANG grupong nagpapahalaga sa buhay ang magsasagawa ng kanilang lakbayan mula Caloocan hanggang Paranque City upang humingi ng kapatawaran para sa mga kasalanan laban sa kasagraduhan ng buhay at ng tradisyunal na kasal.

Isasagawa ito bukas at sisimulan sa Diocesan Shrine of Our Lady of Grace sa Grace Park, Caloocan City sa ganap na ika-walo ng umaga.

Pinangalanang "Annual Filipinos for Life Lenten Pilgrimage" daraan ito sa ilang mga simbahan sa ruta ng Light Rail Transit 1 at magtatapos sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran.

Ang taunang proyekto ay sa pamamagitan ng Filipinos for Life sa ilalim ng pangulong si Anthony James Perez. Nasa ikatlong taon na ito at may habang 20 kilometro mula sa Monumento hanggang Baclaran. Ipagdarasal ng mga kalahok ang patuloy na pagpapahalaga ng mga Pilipino sa tradisyunal na Filipino values.

Daraan ang mga kasapi ng Filipinos for Life sa St. Pancratius Church sa La Loma, San Roque Church sa Blumentritt, Espiritu Santo sa Tayuman, Quiapo Church o Basilica Minore of the Black Nazarene, Binondo Church o San Lorenzo Ruiz, Nuestra Senora de Guia o Ermita Church, Nuestra Senora de los Remedios o Malate Church at Baclaran sa National Shrine of Our Mother of Perpetual Help.

Manananghalian ang mga kalahok sa Binondo Church.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>