Sinimulan kahapon sa himpapawid ng Timog Korea ang Max Thunder Exercise ng mga tropang panghimpapawid ng T.Korea at Amerika, na tatagal hanggang sa ika-25 ng buwang ito.
Dahil dito, magkasabay na isinasagawa ng T.Korea at Amerika ang dalawang magkasanib na pagsasanay militar. Ang isa pa ay ang Foal Eagle Exercise na matatapos sa ika-18 ng Abril. Samantala, nakatakda ring isagawa ng dalawang bansa ang ikatlong pagsasanay na may code name na "Pacific Thunder" mula ika-14 hanggang ika-18 ng buwang ito.
Kaugnay nito, nagpahayag kahapon ng pagkabahala ang Rusya sa pagiging aktibo ng T.Korea at Amerika sa pagdaraos ng mga pagsasanay militar. Anang Rusya, ito ay hindi makakatulong sa pagpapabuti ng kalagayan sa Hilagang Silangang Asya. Iminungkahi rin ng Rusya na dapat itatag ang multilateral na mekanismong panseguridad sa rehiyong ito, at lutasin ang lahat ng mga hidwaan sa pamamagitan ng paraang pulitikal at diplomatiko.