Dahil sa paglala ng situwasyon sa silangan ng Ukraine, nagpahiwatig kahapon si Oleksander Turchynov, nanunuparang Pangulo ng bansa, na hindi niya tututulan ang pagdaraos ng referendum para maigarantiyang mapapasailalim sa Ukraine ang silangan.
Nakipag-usap kahapon sa telepono si Oleksander Turchynov kay Ban Ki-moon, Pangkalahatang Kalihim ng UN, para imungkahing magpadala ang UN ng tropang pamayapa sa silangan ng Ukraine. Muling binigyang-diin ni Ban ang kagipitan at kahalagahan ng pagsasagawa ng Ukraine at Rusya ng direktang diyalogo, pero hindi siya nagkomento hinggil sa pagpapadala ng tropang pamayapa sa silangan ng Ukraine.
Salin: Andrea