|
||||||||
|
||
Ipinahayag kahapon ni Jen Psaki, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos (E.U.), na dahil sa papel ni Hamid Aboutalebi, bagong kinatawan ng Iran sa UN, sa hostage crisis noong 1979, igigiit ng Amerika ang hindi pagbibigay ng VISA sa kanya para makapasok sa bansa.
Ayon kay Psaki, ipinabatid na ng Amerika sa UN at pamahalaang Iranian na hindi bibigyan ng VISA si Hamid Aboutalebi.
Nagprotesta kahapon ang Iran sa UN at humingi sa prosidyur na pambatas. Anito pa, hindi nila papalitan si Hamid Aboutalebi bilang kanilang bagong kinatawan.
Kinumpirma kahapon ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, na tatalakayin ng UN ang isyung ito sa ika-22 ng Abril. Ayon sa kasunduang nilagdaan ng E.U. at UN noong 1947, bilang punong himpilan ng UN, dapat bigyan ng E.U. ng mga VISA ang lahat ng diplomata mula sa iba't ibang bansa.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |