|
||||||||
|
||
Dumating ng Turkey kahapon si Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia para pasimulan ang dalawang araw na pagdalaw doon. Sa panahon ng pagdalaw, lalagdaan ng dalawang bansa ang Kasunduan hinggil sa Malayang Kalakalan.
Sa isang proklamasyong ipinalabas nang araw ring iyon ng Ministring Panlabas ng Malaysia, magkasamang dadalo sina Najib at Punong Ministro Recep Tayyip Erdogan ng Turkey sa seremonya ng paglalagda sa nasabing kasunduan.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |