Ipinatalastas kahapon ni Nguyen Tan Dung, Punong Ministro ng Biyetnam na umurong ang kanyang bansa ng Ika-18 Asian Games na nakatakdang idaos sa taong 2019. Kaugnay nito, ipinahayag ni Husain Al-Musallam, Pangkalahatang Kalihim ng Olympic Council of Asia na naunawaan ng kanyang konseho ang pangyayaring ito at ito ang pinakamagandang pagpili na ginawa ng Biyetnam batay sa kasalukuyang kalagayan.
Ayon sa pahayag na ipinalabas ng pamahalaan ng Biyetnam, pinasasalamatan ng kanyang bansa ang pagkatig ng Olympic Council of Asia sa pagpapaunlad ng usaping panpalakasan ng Biyetnam, pero, walang karanasan at hindi nakahanda ang Biyetnam sa paghohost ng ganoon kalaking paligsahan.