|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ng Rusya, na kung sasapi ang Ukraine sa North Treaty Atlantic Organization (NATO), pilit na isasagawa ng Rusya ang katugong hakbangin.
Sa isang television talk show, sinabi ni Peskov na hindi umaasa ang Rusya na isasaalang-alang ng Ukraine ang isyu ng pagsapi sa NATO. Aniya, kung sasapi ang Ukraine sa NATO, magiging mas malapit ang NATO sa hanggahan ng Rusya, at magbabago ang kayariang panseguridad ng Europa. Ito aniya ay magdudulot ng grabeng banta sa Rusya.
Dagdag pa niya, bilang tugon sa pag-unlad ng situwasyon sa dakong silangan ng Ukraine, binalangkas ng Rusya ang maraming plano ng aksyon. Sinabi niya, ang maigting na situwasyon sa Ukraine ay dahil sa kakulangan ng tiwala ng mga residente sa dakong silangan ng bansang ito sa rehimen ng Kiev. Walang iba kundi ang mga mamamayan ng Ukraine lamang ang susi sa paglutas sa isyu ng Ukraine, dagdag niya.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |