Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Punongbayan, binaril samantalang na sa flag-raising ceremony

(GMT+08:00) 2014-04-21 18:14:16       CRI

NAGHINTAY ang dalawang kalalakihang matapos awitin ang pambansang awit at binaril ang punongbayan ng Gonzaga sa Lalawigan ng Cagayan kaninang umaga.

Naghihinala ang pulisya, ayon sa ulat ng DzBB-GMA Radio, na mga gerilyang mula sa New People's Army ang may kagagawan ng krimen.

Sa panayam ng media kay Sr. Supt. Gregorio Lim, naghahanda si Mayor Carlito Pentecostes, Jr. na magtalumpati ng lapitan ng dalawang kalalakihan at paputukan.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng may 20 mga pinaghihinalaang gerilya sa pook samantalang isinasagawa ang flag-raising ceremony. Nasawi ang punongbayan dahilan sa tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa isang hiwalay na ulat, ibinalita ng Bombo Radyo na nagangap ang pamamaril mga ika-walo ng umaga.

Nabatid na naka-uniporme ng camouflage ang mga namaril. Dalawa rin sa bodyguard ng punongbayan ang nabalitang nasawi. Nagkaputukan ang mga armado at mga pulis subalit biglang umatras ang mga gerilya matapos mapaslang ang punongbayan. Nakatakas sila sakay ng isang sasakyan ng pulisya.

Sakay ang mga armado sa isang Elf-type truck at isang van. Posible umanong mayroong kinalaman ang isyu ng black sand mining na tinutuligsa ng NPA sa nakalipas na panahon.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>