Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Cardinal Tagle, nanawagan sa madlang magsimulang muli; Obispo Alminaza: kailangang tulungan ang mga aba

(GMT+08:00) 2014-04-21 18:15:40       CRI

SINABI ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle na walang dapat ipangamba ang mga mamamayang magsimulang-muli sa paghahanap ng kapayapaan lalo't higit na ang Pasko ng Pagkabuhay ay senyal ng pagbabago.

Sa pagkakaroon ng tunay na kapayapaan mula sa nabuhay na mag-uling Hesukristo, makapagsisimulang muli ang lahat. Nanawagan din siya kay Hesukristo na ipadala ang Banal na Ispiritu sa mga Pilipino.

Binanggit niya ang Bangsamoro, ang mga komunidad na napinsala ng lindol, bagyo at mga sagupaan.

Samantala, sinabi ni San Carlos Bishop Gerardo A. Alminaza na ang Pasko ng Pagkabuhay ay higit na magiging makabuluhan sa paghahatid ng liwanag sa mga nalilimutan ng lipunan, ang mga walang hanapbuhay, walang tahanan, mga nagugutom, mga walang damit, sa pagpupunyagi ng madalang magkaroon ng bagong daigdig.

Nagaganap ang pagbabago sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa katarungang panglipunan, sa pagkakaroon ng social inclusion. Responsibilidad ng lahat ang kanilang kalapit-bahay. Nararapat lamang iwaksi ang pagiging makasarili at gahaman.

Kailangang maunawaan ang mga nagaganap sa makasalanang social structure, ang sistema ng nagpapanatili ng kawalan ng patas na pagkakataon, ang pagkagutom sa panahon ng kasaganaan at ang pagkakaroon ng monopoly ng poder sa gitna ng kawalan ng nakararami. May balak ang Diyos para sa lahat at 'di para sa mangilan-ngilan lamang.

Nararapat ding daluhan ang mga nangangailangan at walang poder at maitaas sila sa tamang kalalagyan. Ang mga social action center, ang mga obispo, pari, mga relihiyoso at mga layko sampu ng kanilang mga samahan ang nararapat makasama ng maraming mahihirap.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>