Sa Sao Paulo, Brazil, binuksan dito kahapon ang Pandaigdigang Pulong sa Internet Administration o Net Mundial Conference. Dumalo sa Pulong si Pangulong Dilma Rousseff ng Brazil, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN at mga kinatawang mula sa Tsina, Argentina, Brazil, Alemanya,Amerika at iba pa.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ng Pangulong Brazilian na tulad ng karapatang pantao sa pamumuhay, dapat ding igalang ang karapatang ito sa internet. Ito aniya'y nagsisilbing pangunahing tungkulin ng kasalukuyang pulong.