Ipinatalastas kahapon ni Leung Chun Ying, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), na nagkasundo na ang HKSAR at Pamahalaang Pilipino tungkol sa Maynila hostage incident. Aniya, mula kahapon, kinansela na ng Pamahalaan ng HKSAR ang isinagawang sangsyon sa Pilipinas, at ibinaba sa "Amber" mula "Black" ang travel alert level sa Pilipinas.
Pagkaraang magsanggunian kahapon ng hapon sina Leung Chun Ying, Jose Rene Almendras, Cabinet Secretary, at Joseph Ejercito Estrada, Alkalde ng Maynila, ipinalabas ng Pamahalaan ng HKSAR at Pamahalaang Pilipino ang magkasanib na proklamasyon kung saan nagpahayag ang huli ng lubos na paghingi ng paumanhin at matapat na pakikiramay sa mga biktima at kanilang kamag-anakan. Ipinahayag din ng panig Pilipino ang lubos na kalukungtan sa sinapit ng mga nasawi.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ng Malakanyang na kasalukuyang napanumbalik na sa normal ang relasyon ng Pilipinas at Hong Kong. Nagpahayag naman ng kasiyahan si Pangulong Benigno Aquino III sa pagkakalutas ng naturang insidente at pagkakaroon ng resultang katanggap-tanggap sa bawat panig.
Salin: Li Feng