|
||||||||
|
||
Hinangaan ng Pantagon ng Amerika ang Code for Unplanned Encounters at Sea (CUES) na pinagtibay sa katatapos na ika-14 na Taunang Pulong ng Western Pacific Naval Symposium sa Qingdao ng Tsina.
Sinabi kahapon ni Steve Warren, Tagapagsalita ng Pantagon, na ang nasabing tadhana ay ibayo pang magpapasulong sa diyalogo at pag-uugnayan sa pagitan ng mga tropang pandagat ng iba't ibang bansa para mabawasan ang di-pagkakaunawaan ng mga bansa sa aksyong militar ng ibang mga bansa sa dagat, mapahupa ang mga nakatagong panganib ng aksyon ng mga tropang pandagat ng mga bansa sa open sea, at mapataas ang kaligtasan ng mga aksyon ng mga bansa sa dagat.
Dagdag pa niya, positibo ang katuturan ng CUES sa pangangalaga sa katatagang panrehiyon.
Ang CUES ay kinabibilangan ng mga saligang hakbanging panseguridad, plano ng komunikasyon, pamamatnubay ng aksyon para sa mga bapor at eroplano ng tropang pandagat ng mga bansa na biglang nagtatagpo sa open sea.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |